News Portal Blog /This Blog Features All Trending And Hot News Around The WOrld, Viral Videos, POlitical and Community Gossips. Social MEdia Virals and Source of LAtest Viral News

ABNKKPEYSBUKNPLAKO


Sawang-sawa ka na ba sa mga "Friends" na hindi mo naman kilala? Sa pagla-"Like" ng mga walang kwentang post at pag-"Hehe" sa mga comment na hindi naman nakakatawa? Sa mga taong puro lang pa-picture sa Eiffel Tower, Stonehenge, at Statue of Liberty; puro Tweet kung saang restaurant sila nagka-kape, saang conference sila galing, at ano ang pinakabagong application sa iPhone nila; at puro update kung gaano ka-cute ang pang-siyam nilang panganay, kung ano ang suot ngayon ng chihuahua nila, o kung gaano kasalimuot ang "It's Complicated" nilng relasyon? Sa mga litratong walang kinalaman sayo pero naka-"Tag" ka? Sa mga video ng taong naputol ang katawan, sumabog ang ulo, at lumuwa ang bituka? Sa hindi maintindihang shoutout ng mga Jejemon at hindi maunawaang status update ng mga emo na kulang sa pansin? Sa Friend Requests, Friend Suggestions, Page Suggestions, Pokes, Events, Links, Mafia, Farm, Dog, Fish, Cat, at Zoo na aksaya lang naman talaga ng pera, oras, lakas, at bandwidth?